fluffy cupcake
![KADUGNUNG: Inyo bang naisip kung paano natuklasan ang bayan ng Bikol? Kung gayon ay making kayo! Ang bayan ng Bikol ay simple, ngunit isa ito sa pinakamagandang lugar sa mundo. Mayaman ang bayan ng Bikol sa mga produksiyon, sila ay mayaman. Galing sa lahi ng Lipod, sa Botavara si Baltog na kauna-unahang tao ang nakatuklas at nanirahan dito. *Matutuklasan ni Baltog ang Ibalon. BALTOG: Napaka-ganda naman ang lupaing ito! Ngunit, mukhang kailagan pang pasiglahin at alagaan ang mga pananim nito. Aayusin ko ang lugar na ito! *Bumalik si Baltog sa Botavora at kaniyang tinawag ang kaniyang mg aka-tribo at mga kaibigan. Kaniyang ibinalita ang tungkol sa natuklasan na lugar ng Ibalon. *Nagsimula silang magtanim ng mga gabi at kanilang inalagaan ang Ibalon. *Isang umaga nagising na lamang sila na sira na ang kanilang mga pananim. TAO 1: Mga ka-tribo! Dali, at pumunta kayo dito! Tignan niyo ang ating mga pananim! TAO 2: Sino kaya ang walang puso na gumawa nito?! TAO 3: Marahil ang bali-balita ngayong mapaminsalang baboy-ramo na naninira ng pananim sa mga karatig- bayan! TAO 4: Halika't ating ipaalam kay Bantog ang balita! *Pumunta sila kay Bantog TAO 2: Mahal na Baltog! Kami ay mayroong ibabalita sa inyo! BALTOG: Ano iyon, mga ka-tribo? TAO 1: Baltog, ang ating mga pananim ay nasira! TAO 3: At sa tingin namin ay kagagawan ito ng mapaminsalang baboy ramo na usap-usapan sa ibang nayon! BALTOG: Kung gayo'y, amin itong pupuksain! Aking titipunin na ang mga kawal, at kami'y aalis sa oras na ito! TAO 4: Mag-iingat kayo, Mahal na Baltog! *Pumunta sila Bantog sa kagubatan para hanapin at patayin ang mapaminsalang baboy ramo KAWAL 1: Ayun ang baboy ramo! BALTOG: Ikaw pala ang mapaminsalang baboy ramo na peste sa maraming bayan! Ngayon na ang katapusan mo! TANDAYA: Ayan ang akala ninyo! *groooowl* *Sila’y maglalaban at hindi kalauna’y napatay na nila ang mapaminsalang baboy ramo. Kaagad silang umuwi sa Ibalon upang ipamahagi ang magandang balita. Dala-dala nila ang ulo ng baboy ramo na nakatusok sa isang kahoy. TAO 1: Nakabalik na sina Baltog at ang kaniyang mga kawal! Tignan niyo, dala-dala nila ang ulo ng halimaw! TAO 3: Napaka-lakas talaga ng ating pinuno! TAO 4: Mabuhay si Baltog! MGA TAO: Mabuhay! *Sila ay magkakasiyahan. TAO 2: Ang halimaw na iyan ay kamukha ng halimaw na natagpuan sa bayan ng Lignion na ang tawag ay Tandaya! BALTOG: Kung gayo'y, ang itatawag na natin sa halimaw na ito ay Tandaya! *At magpapatuloy sila sa pagkakasiyahan. TAO 1: Mayroon na namang mga bagong halimaw sa Ibalon at napakarami na nila! TAO 2: Sino kaya ang maaaring tumalo sa kanila HANDIONG: Ako! Kasama ko ang akingng mga kawal at pupuksain naming ang mga halimaw sa bayan ng Ibalon! Mga kasama tayo na! *Kasama ng mga kawal" pumunta sina Handiong sa kagubatan upang hanapin at patayin ang mga halimaw. KAWAL 1: Hindi ba iyon ang halimaw? HANDIONG: Ikaw nga! Ikaw ang halimaw na sumakop sa Ponon! ONE-EYED GIANT: )o.. *lalabas ang iba pang mga on$-$y$d giants* Kami nga! KAWAL 2: Mahal na Handiong, napakarami nila. HANDIONG: Kahit na marami sila, kaya nating wakasan ang kanilang buhay! Sugod!! *Maglalabanan sila ng 1& buwan KAWAL 3: Napaka-husay niyo talaga, magiting nan a Handiong! Natalo niyo ang mga halimaw na iyon sa loob ng *0 buwan! HANDIONG: Hindi ko magagawa iyon kung hindi dahil sa tulong niyo. Tayo na mga kasama at marami pa tayong pupuksaing mga halimaw! *Pumunta muli sila sa gubat at patuloy na naghanap ng mga halimaw hanggang sa matagpuan nila ito at kinalaban at pinatay. KAWAL 1: Nagapi na natin ang Tiburon, Mabangis na Kalabaw, Halimaw na Buwaya at Sarimaos, ngunit hanggang ngayo'y hindi pa rin natin makatagpo at matalo ang halimaw na si )riol. KAWAL 2: Ang serpyente o ahas na may magandang tinig ay nagtatago sa yungib ng Hantic! HANDIONG: Kung gayon ay tayo na! *Pagkatapos na pagkatapos dumating ng uno" kaagad na kumalat ang balita tungkol sa kalahating tao at kalahating halimaw na si Rabot. HANDIONG: Kaibigan kong Bantong! BANTONG: )h? Naparito ka? Ano ang nais mo kaibigan? HANDIONG: Nabalitaan mo na baa ng tungkol sa Kalahating Halimaw at Kalahating Tao na si Rabot? Nais ko sanang iyong puksain ang nasabing halimaw kasama ng iyong mga tauhan. BANTONG: Kung gayo'y, kaagad kaming aalis. *Pinagtipon-tipon si Bantong ang isang libo niyang kawal. BANTONG: Tinipon ko kayong lahat upang puksain natin ang kalahating tao at kalahating halimaw na si Rabot. Ang halimaw na ito ay punong puno ng itim na mahika.Tulungan ninyo akong mahanap ang halimaw at mapatay kaagad ito! *Kaagad silang naghanda at hinanap si Rabot. KAWAL 1: Pinunong Bantong, naroon si Rabot!! KAWAL 2: Bantong, tayo na at patayin ang halimaw! BANTONG: Tumigil muna kayo! Atin munang obserbahan ang Rabot. *Inobs$rbahan nila ang halimaw at sila ay mayroong napansin. BANTONG: Aking napansin na sa umaga natutulog ang Halimaw, kaya naman bukas ng umaga, atin na siyang papatayin! *Kinabukasan" dahan-dahan silang pumunta kay Rabot at nag-ingat upang hindi ito magising. *Bigla nilang pinagsasaksak ang halimaw. RABOT: /sisigaw* *Rinig sa buong bayan ang lakas ng kaniyang pag-iyak. *Dinala ni Bantong ang patay na si Rabot kay Handiong. BANTONG: Kaibigan kong Handiong! Napatay na naming ang halimaw na si Rabot! Ito pa at dala naming ang kaniyang labi! HANDIONG: Ngayon lamang ako nakakita ng nakakatakot na halimaw na may nakakasindak na boses! Napaka-husay mo kaibigan kong Bantong! *Nagkasiyahan muli ang mga taga-Ibalon. KADUNUNG: Simula noon, nanatili na ang kapayapaan sa lugar na Ibalon na ngayon ay tinatawag nang Bicol!](https://dihulvhqvmoxyhkxovko.supabase.co/storage/v1/object/public/husbando-land/app_media/f01b1abe-ef13-4656-9cce-19ec8b7a708d.webp)
fluffy cupcake
KADUGNUNG: Inyo bang naisip kung paano natuklasan ang bayan ng Bikol? Kung gayon ay making kayo! Ang bayan ng Bikol ay simple, ngunit isa ito sa pinakamagandang lugar sa mundo. Mayaman ang bayan ng Bikol sa mga produksiyon, sila ay mayaman. Galing sa lahi ng Lipod, sa Botavara si Baltog na kauna-unahang tao ang nakatuklas at nanirahan dito. *Matutuklasan ni Baltog ang Ibalon. BALTOG: Napaka-ganda naman ang lupaing ito! Ngunit, mukhang kailagan pang pasiglahin at alagaan ang mga pananim nito. Aayusin ko ang lugar na ito! *Bumalik si Baltog sa Botavora at kaniyang tinawag ang kaniyang mg aka-tribo at mga kaibigan. Kaniyang ibinalita ang tungkol sa natuklasan na lugar ng Ibalon. *Nagsimula silang magtanim ng mga gabi at kanilang inalagaan ang Ibalon. *Isang umaga nagising na lamang sila na sira na ang kanilang mga pananim. TAO 1: Mga ka-tribo! Dali, at pumunta kayo dito! Tignan niyo ang ating mga pananim! TAO 2: Sino kaya ang walang puso na gumawa nito?! TAO 3: Marahil ang bali-balita ngayong mapaminsalang baboy-ramo na naninira ng pananim sa mga karatig- bayan! TAO 4: Halika't ating ipaalam kay Bantog ang balita! *Pumunta sila kay Bantog TAO 2: Mahal na Baltog! Kami ay mayroong ibabalita sa inyo! BALTOG: Ano iyon, mga ka-tribo? TAO 1: Baltog, ang ating mga pananim ay nasira! TAO 3: At sa tingin namin ay kagagawan ito ng mapaminsalang baboy ramo na usap-usapan sa ibang nayon! BALTOG: Kung gayo'y, amin itong pupuksain! Aking titipunin na ang mga kawal, at kami'y aalis sa oras na ito! TAO 4: Mag-iingat kayo, Mahal na Baltog! *Pumunta sila Bantog sa kagubatan para hanapin at patayin ang mapaminsalang baboy ramo KAWAL 1: Ayun ang baboy ramo! BALTOG: Ikaw pala ang mapaminsalang baboy ramo na peste sa maraming bayan! Ngayon na ang katapusan mo! TANDAYA: Ayan ang akala ninyo! *groooowl* *Sila’y maglalaban at hindi kalauna’y napatay na nila ang mapaminsalang baboy ramo. Kaagad silang umuwi sa Ibalon upang ipamahagi ang magandang balita. Dala-dala nila ang ulo ng baboy ramo na nakatusok sa isang kahoy. TAO 1: Nakabalik na sina Baltog at ang kaniyang mga kawal! Tignan niyo, dala-dala nila ang ulo ng halimaw! TAO 3: Napaka-lakas talaga ng ating pinuno! TAO 4: Mabuhay si Baltog! MGA TAO: Mabuhay! *Sila ay magkakasiyahan. TAO 2: Ang halimaw na iyan ay kamukha ng halimaw na natagpuan sa bayan ng Lignion na ang tawag ay Tandaya! BALTOG: Kung gayo'y, ang itatawag na natin sa halimaw na ito ay Tandaya! *At magpapatuloy sila sa pagkakasiyahan. TAO 1: Mayroon na namang mga bagong halimaw sa Ibalon at napakarami na nila! TAO 2: Sino kaya ang maaaring tumalo sa kanila HANDIONG: Ako! Kasama ko ang akingng mga kawal at pupuksain naming ang mga halimaw sa bayan ng Ibalon! Mga kasama tayo na! *Kasama ng mga kawal" pumunta sina Handiong sa kagubatan upang hanapin at patayin ang mga halimaw. KAWAL 1: Hindi ba iyon ang halimaw? HANDIONG: Ikaw nga! Ikaw ang halimaw na sumakop sa Ponon! ONE-EYED GIANT: )o.. *lalabas ang iba pang mga on$-$y$d giants* Kami nga! KAWAL 2: Mahal na Handiong, napakarami nila. HANDIONG: Kahit na marami sila, kaya nating wakasan ang kanilang buhay! Sugod!! *Maglalabanan sila ng 1& buwan KAWAL 3: Napaka-husay niyo talaga, magiting nan a Handiong! Natalo niyo ang mga halimaw na iyon sa loob ng *0 buwan! HANDIONG: Hindi ko magagawa iyon kung hindi dahil sa tulong niyo. Tayo na mga kasama at marami pa tayong pupuksaing mga halimaw! *Pumunta muli sila sa gubat at patuloy na naghanap ng mga halimaw hanggang sa matagpuan nila ito at kinalaban at pinatay. KAWAL 1: Nagapi na natin ang Tiburon, Mabangis na Kalabaw, Halimaw na Buwaya at Sarimaos, ngunit hanggang ngayo'y hindi pa rin natin makatagpo at matalo ang halimaw na si )riol. KAWAL 2: Ang serpyente o ahas na may magandang tinig ay nagtatago sa yungib ng Hantic! HANDIONG: Kung gayon ay tayo na! *Pagkatapos na pagkatapos dumating ng uno" kaagad na kumalat ang balita tungkol sa kalahating tao at kalahating halimaw na si Rabot. HANDIONG: Kaibigan kong Bantong! BANTONG: )h? Naparito ka? Ano ang nais mo kaibigan? HANDIONG: Nabalitaan mo na baa ng tungkol sa Kalahating Halimaw at Kalahating Tao na si Rabot? Nais ko sanang iyong puksain ang nasabing halimaw kasama ng iyong mga tauhan. BANTONG: Kung gayo'y, kaagad kaming aalis. *Pinagtipon-tipon si Bantong ang isang libo niyang kawal. BANTONG: Tinipon ko kayong lahat upang puksain natin ang kalahating tao at kalahating halimaw na si Rabot. Ang halimaw na ito ay punong puno ng itim na mahika.Tulungan ninyo akong mahanap ang halimaw at mapatay kaagad ito! *Kaagad silang naghanda at hinanap si Rabot. KAWAL 1: Pinunong Bantong, naroon si Rabot!! KAWAL 2: Bantong, tayo na at patayin ang halimaw! BANTONG: Tumigil muna kayo! Atin munang obserbahan ang Rabot. *Inobs$rbahan nila ang halimaw at sila ay mayroong napansin. BANTONG: Aking napansin na sa umaga natutulog ang Halimaw, kaya naman bukas ng umaga, atin na siyang papatayin! *Kinabukasan" dahan-dahan silang pumunta kay Rabot at nag-ingat upang hindi ito magising. *Bigla nilang pinagsasaksak ang halimaw. RABOT: /sisigaw* *Rinig sa buong bayan ang lakas ng kaniyang pag-iyak. *Dinala ni Bantong ang patay na si Rabot kay Handiong. BANTONG: Kaibigan kong Handiong! Napatay na naming ang halimaw na si Rabot! Ito pa at dala naming ang kaniyang labi! HANDIONG: Ngayon lamang ako nakakita ng nakakatakot na halimaw na may nakakasindak na boses! Napaka-husay mo kaibigan kong Bantong! *Nagkasiyahan muli ang mga taga-Ibalon. KADUNUNG: Simula noon, nanatili na ang kapayapaan sa lugar na Ibalon na ngayon ay tinatawag nang Bicol!
4 months ago